October 1, 2017

0 comments

Teachers Day naman ngayon. Pampa good vibes sa mga teachers.

 

Minsan, nagkita ang dating magkaklase na isang guro ng grade 2 na higit kumulang labinlimang taon na.sa serbisyo at isang tatay na ang anak ay nsa grade 2 na rin. Nag uusap ang dalawa. Nagkumustahan ng mga ginagawa  sa buhay buhay-buhay nila. Naikwento ng guro na sa awa ng Diyos ay tumagal naman siya sa serbisyo kahit alam naman natin na di matawaran ang ginagawa ng isang guro para lamang maipa-unawa  ang kanyang lesson sa apat-napung mga bata o higit pa taon taon,,

Ang sabi ng guro” bakit ba naman itong anak mo, di man lang nagmana syo, hindi ka naman ganyan nung tayo ay magkaklase pa sa elementarya.Matalino ka naman, at ngayon ay may narating na sa buhay, ang anak mo Tomasito ay naku apat na taon na sa Grade Two hindi ko pa rin maipasa-pasa, wala man lang alam, di marunong bumasa lalo’t higit di marunong magsulat.kaya ayan pa rin ang anak mo Grade Two pa rin.”

 

Buong confident pa rin ang ama at natawa lang sa sinabi ng guro, Okey lang yan mam, apat na taon pa lang naman,Ikaw nga po mam marunong ka magbasa,marunong ka sumulat, higit sa lahat marunong ka magturo sa mga bata pero labinlimang taon na nasa Grade Two ka pa rin…..

Ha ha ha ha..Joke !

 

Minsan sa buhay nating mga guro, sa araw-araw nating ginagawa sa loob ng matagal na panahon, ano naman ang pagbabago na nagawa mo na sa buhay mo?

Given na yan na marami na tyong mga mag-aaral na naging successful na at hindi nila tyo nalilimutan,Pero anong pagbabago naman ang pwede mo pang magawa upang makasabay sa  mundo ng kabataan sa  makabagong panahon.

Mabuhay tayong mga Guro!  dahil ngayon at magpakailanman tayo ay mananatiling guro sa paghubog ng kaalaman.

Ngunit, wag nating limitahan ang ating sarili sa loob ng classroom.

Sa libro tayo nabubuhay sa pagtuturo natin araw-araw, ano kaya kung magbabasa ka rin ng aklat na maaring magbago ng buhay mo kahit nasa loob ng classroom

Dahil ang pagbabago ay nagsimula sa pagbabasa.

 

 

 

 

 

 

 

 

Photo Credit:

<a href=”http://www.freepik.com”>Designed by katemangostar / Freepik</a>

About the Author

Dr. Miriam Jumalon

Dr. Miram Segudo-Jumalon is a graduate of Bachelor in Elementary Education. Served the private educational System for more than 2 decades but opted to avail of an early retirement and decided to enter in the public school to know the real world of the educational system in Philippine Settings.
At the same time discover and venture the online business industry from being a full-time teacher to a Teacherpreneur in the Philippines. Her new journey of sharing new opportunities on E-Learning  as the best avenue to be Innovative and Creative teacher in today's world of technology.

{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}
>